Mga Uri ng Visa at Mga Kaukulang Bayarin

Karaniwan, ang mga taga-ibang bansang nais pumasok sa Estados Unidos ay dapat munang makakuha ng visa. Maaring kumuha ng isang nonimmigrant visa para sa pansamantalang pananatili, o ng isang immigrant visa para sa permanenteng paninirahan. Ang mga mamamayan ng mga kwalipikadong bansa ay maaaring bumisita ng walang visa sa ilalim ng Visa Waiver Program.

Ang visa ay hindi kasiguruhan na makakapasok sa Estados Unidos. Ang visa ay nagpapahiwatig lamang na ang isang opisyal ng konsulado ng US ay nagpasiya na ikaw ay pwedeng makapasok ng Estados Unidos at maisagawa ang isang tiyak na layunin.

  • Nonimmigrant Visa

    Ang nonimmigrant visa ay ginagamit ng mga turista, negosyante, estudyante, o specialty workers (mga trabaho kung saan ang kursong natapos or espelisasyon ng aplikante ang kailangan) na nais manatili sa Estados Unidos upang magampanan ang isang layunin sa naitalagang panahon. Ayon sa US visa laws and regulations, karamihan sa mga aplikante ng nonimmigrant visa ay dapat ipakita sa mga konsulado na sila ay may malaking rason upang bumalik sa kanilang bansa ng paninirahan at dapat ipakita na may plano silang umalis ng Estados Unidos pagkatapos ng kanilang panandaliang pananatili.

  • Immigrant Visa

    Ang immigrant visa ay para sa mga taong nagbabalak na permanenteng manirahan sa Estados Unidos. Ito ay nagpapahintulot ng aplikasyon para sa pagpasok sa Estados Unidos bilang isang Lawful Permanent Resident at ito ay isang malaking hakbang tungo sa pagkuha ng U.S. citizenship. Karamihan sa mga aplikasyon para sa immigrant visa ay nagsisimula kapag ang isang kwalipikadong miyembro ng pamilya na isang U.S. citizen o lawful permanent resident ay nagsumite ng petisyon sa U.S. Citizenship & Immigration Services (USCIS) sa Estados Unidos o sa isang Embahada ng Estados Unidos sa ibang bansa. Maaari rin na i-petisyon ng isang employer ang empleyadong nais niyang bigyan ng isang permanenteng posisyon.

Back