Pagkompleto ng DS-160

Impormasyon Tungkol sa DS-160

Bawat aplikante, kabilang ang bata, ay kailangang mayroong sariling DS 160 na aplikasyon at isumite ito online bago pa ma-interbyu. Kailangang ihanda ang DS-160 confirmation barcode number upang makapag-iskedyul ng appointment para sa interbyu. Ang Embahada ay hindi tumatanggap ng mga aplikasyon na sulat-kamay o ginamitan ng makinilya at hindi pahihintulutan ang sino man dumalo sa kanyang interbyu ng walang dalang naka-print na DS-160 confirmation page.

DS-160 Internet Guide

DS-160 Form

DS-160 FAQ

Note: Kapag kayo ay lumagda sa inyong DS 160 sa pamamagitan ng electronic na paglagda, kayo ay nagpapatunay na ang lahat ng impormasyong nilalaman nito ay totoo at wasto. Ang hindi pagbigay ng tamang impormasyon ay maaring magresulta sa hindi pagtanggap ng visa o ang hindi pagpapahintulot makapasok sa Estados Unidos. . Mangyari po ay suriin mabuti ang lahat ng inyong mga kasagutan ay siguraduhing nasagutan ng wasto ang bawat tanong.

Panuntunan sa pagsagot ng DS 160

Matapos ang pagrepaso ng Nonimmigrant Visa Application Process, lahat ng aplikante ng visa ay kailangang magsumite ng DS-160 online application bago magpa-iskedyul ng interbyu.

  • Lahat ng katanungan ay dapat sa wikang Ingles ang sagot gamit ang mga karakter na Ingles maliban kung kayo ay hinihiling na magbigay ng buong pangalan sa inyong katutubong alpabeto.
  • Lahat ng mga aplikante ay kinakailangang maglagay ng larawan bilang bahagi ng proseso ng DS-160. Ang detalyadong impormasyon sa pagkuha ng larawan ay nasa website ng U.S. Department of State https://travel.state.gov/content/travel/en/us-visas/visa-information-resources/wait-times.html
  • Maaaring balikan ng isang aplikante ang bahagyang natapos na DS-160 kung ang kanilang sesyon ay natigil pansamantala dahil sa paglikop ng dagdag pang impormasyon o dahil sa isang teknikal na pagkakamali o maling koneksyon
  • Pagkatapos sagutan ang DS-160, may alpha-numeric barcode confirmation page na matatagpuan sa dulo. I-print ang pahinang ito gamit ang laser printer o mataas na kalidad na ink-jet. Ang Dot matrix at mababang kalidad na inkjet ay hindi nagbibigay ng sapat na kalalabasan upang mai-print ang barcode.
  • Pagkatapos mai-print ang barcode confirmation page, maaaring pindutin ang “Back” key sa iyong komputer at i-email sa iyong sarili ang isa pang kopya ng confirmation page. Ang in-email na file ay nasa PDF na pormat, sa ganoon ay kailangan ng Adobe Acrobat upang masilip o mai-print ang kopya kung kinakailangan.