Mga Pagpipiliang Bangko at Paraan ng Pagbabayad

Impormasyon sa Pagbabayad

Kung ikaw ay isang mamamayan sa anumang bansang kalahok sa Visa Waiver Program, mangyaring kumpirmahin muna kung kailangan mong mag-apply para sa isang nonimmigrant visa o hindi. Mayroong mga indibidwal na maaaring hindi na kailangan ng visa, halimbawa:

  • Mga indibidwal na karapat-dapat sa ilalim ng Visa Waiver Program.
  • Mga indibidwal na hindi kasali sa pagbabayad ng aplikasyon, tulad ng mga aplikante para sa A o G visas, o mga kalahok sa mga programang inisponsoran ng gobyerno ng U.S.
  • Mga indibidwal na mayroon nang balidong visa para sa kanilang mga nilalayong pakay ng paglalakbay.
  • Mga mamamayan ng Canada o Bermuda (maliban sa A, E, G, K o V na kategorya ng visa)

Kung hindi mo na kailangang mag-apply ng visa, mangyaring sundin ang mga tagubilin sa ibaba ukol sa pagbabayad ng visa. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iksemspsyon sa pagbabayad, mangyaring tingnan ang Visa Fees.

Impormasyon sa Pagbabayad

Mga Pagpipilian sa Pagbabayad:

  1. BayadPera sa Banko: Sinumang aplikante ng nonimmigrant visa ay maaaring magbayad nang  cash sa pinakamalapit na sangay ng Bank of the Philippine Islands (BPI). Kinakailangan mong magdala ng kopya ng iyong passport bio page para sa pagbabayad MRV fee. Kinakailangang isulat ng aplikante ang numero ng pasaporte, halaga, buong pangalan (kung paano ito nakasulat sa pasaporte) at contact number sa deposit slip na makukuha sa sangay ng bangko. Pagkatapos magbayad ng  MRV application fee, ang bangko ay mag-iisyu ng kopya ng resibo.

    Mangyaring tandaan na kailangan mong maghintay nang apat  (4) na oras mula sa panahon ng pagbabayad ng inyong MRV application fee bago mo ito magamit para makapagpa-iskedyul ng iyong interview appointment. (Para sa karagdagang mga detalye, mangyaring sumangguni sa talahanayang nasa ibaba*) Kung ikaw man ay nagpa-iskedyul ng iyong appointment online o tumawag sa aming call center, kailangan mong maibigay ang numero ng iyong pasaporte at resibo ng pagbabayad** bago ikaw ay pinahihintulutang i-iskedyul ang iyong visa interview appointment.

  2. Pagbabayad Online (sa pamamagitan ng BPI online payment): Mangyaring tandaan na ang mga aplikanteng may account sa Bank of the Philippine Islands (BPI) ay maaaring magbayad ng kanilang MRV application fee online gamit ang Bank of the Philippine Islands (BPI) internet banking. Para magawa ang pamamaraan ng pagbabayd na ito,  dapat kumuha ang aplikante ng UID sa pamamagitan ng paggawa ng kanyang online Profile sa amin. Sa pagtanggap ng UID, kinakailangan mong tandaan ang UID number dahil kakailanganin mong gamitin ang numerong ito para magpadala ng visa fees sa pamamagitan ng opsyong online payment na ibinigay ng Bank of the Philippine Islands (BPI).

  3. TANDAAN:  Maaring ilagay ang tamang UID sa patlang ng transaction description. Ito ang magpapahintulot sa inyo na maiskedyul ang visa interview appointment sa loob ng 4 na oras mula sa panahon ng pagbabayad. (Para sa karagdagang mga detalye mangyaring sumangguni sa talahanayang nasa ibaba*) Ang kawalan /hindi tamang UID number, ay magiging dahilan ng hindi pagkilala sa transaksyon. Ang ibinayad sa visa o visa fees ay hindi na maaaring maibalik o ipa-refund.

    Upang lumikha ng iyong Profile at bayaran ang iyong MRV fee online, mangyaring mag-click dito.

  4. Pagbabayad Online (sa pamamagitan ng BancNet): Mangyaring tandaan na ang mga aplikanteng may account sa bangkong sakop ng BancNet network ay maaaring magbayad ng kanilang MRV application fee online gamit ang pasilidad  na BancNet Bills Payment. Para magawa  ang pamamaraan ng pagbabayd na ito,  dapat kumuha ang aplikante ng UID sa pamamagitan ng paggawa ng kanyang online Profile sa amin. Sa pagtanggap ng UID, kinakailangan mong tandaan  ang UID number  dahil kakailanganin mong gamitin ang numerong ito para magpadala ng visa fees sa pamamagitan ng pasilidad na BancNet Bills Payment.

  5. TANDAAN:  Maaring ilagay ang tamang UID sa patlang ng transaction description. Ito ang magpapahintulot sa inyo na maiskedyul ang visa interview appointment sa kasunod na bank working day mula sa panahon ng pagbabayad. (Para sa karagdagang mga detalye mangyaring sumangguni sa talahanayang nasa ibaba*) Ang kawalan /hindi tamang UID number , ay magiging dahilan ng hindi pagkilala sa transaksyon. Ang ibinayad sa visa o visa fees ay hindi na maaaring maibalik o ipa-refund.

    Upang lumikha ng iyong Profile at bayaran ang iyong MRV fee online, mangyaring mag-click dito.

    MAHALAGA: Mangyaring tandaan na kailangan mong maghintay nang  apat  (4) na oras mula sa panahon ng pagbabayad ng inyong MRV application fee bago mo ito magamit para makapagpa-iskedyul ng iyong interview appointment. (Para sa karagdagang mga detalye mangyaring sumangguni sa talahanayang nasa ibaba*) Kung ikaw man ay nagpa-iskedyul ng iyong appointment online o tumawag sa aming call center, kailangan mong maibigay ang numero ng iyong pasaporte at resibo ng pagbabayad** bago ikaw ay pinahihintulutang i-iskedyul ang iyong visa interview appointment.

    * Maaari sumangguni sa talahanayang nasa ibaba para sa mga kaukulang beses na ang aplikante ay maaaring mag-iskedyul ng appointment.

Oras ng Pagbabayad sa pamamagitan mga sangay ng BPI at Online ** Ano ang magiging petsa ng iyong resibo habang ini-iskedyul ang iyong appointment? Pag-book ng Appointment
Pagbabayad ng MRV Fee na ginawa sa pagitan ng 12:01 ng umaga at 3:00 ng hapon Kapareho ng aktwal na petsa ng resibo Ang appointment ay pwedeng mai-book sa loob ng 4 na oras matapos magbayad.
Pagbabayad ng MRV Fee makalampas ang 3:00 ng hapon hanggang 11:59 ng gabi Kasunod na working day ng bangko Ang appointment ay maaaring mai-book sa susunod na araw mula sa 11:00 ng umaga, pataas.
MRV Fee Payments ginawa sa Sabado at Linggo o pista opisyal Kasunod na working day ng bangko Ang appointment ay maaaring mai-book sa susunod na araw ng pasok mula 11:00 ng umaga, pataas.
Oras ng Pagbabayad sa pamamagitan ng BancNet    
Pagbabayad na ginawa sa pagitan ng 12:01 ng umaga hanggang 11:59 ng gabi ay itinuturing na mga pagbabayad ng D, at dapat ay makita sa 1:00 ng hapon ng D+1. Kasunod na working day Ang appointment ay maaaring mai-book sa susunod na araw ng pasok mula 1:30 ng hapon, pataas.
Pagbabayad na ginawa sa panahon ng wikend o pista opisyal Kasunod na working day Ang appointment ay maaaring ma-ibook sa susunod na araw ng pasok mula 1:30 ng hapon, pataas.

Matapos ninyong bayaran ang visa application fee, mangyaring itago ang resibo ng BPI para sa iyong talaan.

Ang bawat aplikanteng nonimmigrant, kabilang ang mga bata, ay kailangang magbayad ng non-refundable, non-transferable Machine Readable Visa (MRV) application fee, ang visa man ay mai-isyu o hindi. Ang bayad sa aplikasyon ng visa ay natutukoy sa pamamagitan ng uri ng visa na inaplayan ng aplikante. Mangyaring tingnan ang website ng Department of State para sa karagdagang impormasyon.