Pagbabayad ng Visa Fee

Impormasyon sa Pagbabayad

Bawat aplikante ng nonimmigrant visa, kasama ang mga bata, ay kailangang magbayad ng Machine Readable Visa (MRV) application fee, maisyuhan man ng visa or hindi. And MRV fee ay hindi maaaring i-refund or mailipat sa ibang aplikante. Ang application fee ay batay sa uri ng visa na kailangan ng aplikante.

Alamin ang nonimmigrant visa fee na naaayon sa iyo, click 'Visa Fees'

Pagpipilian sa Pagbabayad:

  1. Cash sa Bangko: Maaring magbayad ang aplikante ng nonimmigrant visa ng cash sa pinakamalapit na sangay ng Bank of the Philippine Islands (BPI). Kinakailangan na magdala ng kopya ng bio page ng iyong pasaporte sa pagbabayad ng MRV fee. Kailangang punan ng aplikante ang bank deposit slip ng numero ng kanyang pasaporte, halaga ng kailangang dapat bayaran, , ang buong pangalan (gaya ng lumalabas sa pasaporte) at contact number.. Pagkatapos mag bayad ng MRV application fee MRV, ang bangko ay magbibigay sa iyo ng kopya ng resibo.

  2. Mangyaring tandaan na kailangan mong maghintay ng 4 na oras mula sa panahon ng pagbabayad ng inyong MRV application fee bago mo gamitin ito sa iskedyul ng iyong interview appointment. (Para sa karagdagang mga detalye mangyaring sumangguni sa talahanayan ibinigay sa ibaba *) . Kailangan magbigay ng passport number at petsa ng pagbayad sa bangko bago makapagpa schedule ng appointment online o sa call center.

  3. Online Payment (sa pamamagitan ng BPI online payment): Mangyaring tandaan na ang mga aplikante na may account sa Bank of the Philippine Islands(BPI) ay maaaring magbayad ng kanilang MRV application fee online gamit ang Bank of Philippine Islands(BPI) internet banking. Para magawa itong pamamaraan ng pagbabayad, ang aplikante ay dapat kumuha ng isang UID sa pamamagitan ng paglikha ng kanyang online rofile. Sa pagtanggap ng UID, kinakailangan mo na tandaan ang UID number. Ito ay gagamitin para sa paglipat ng ng visa fee sa pamamagitan ng online payment option ng Bank of the Philippine Islands (BPI).

    TANDAAN: Iilagay ang tamang UID sa transaction description field na magpapahintulot sa inyo na maiskedyul ang visa interview appointment sa loob ng 4 na oras mula sa panahon ng pagbabayad. (Para sa karagdagang mga detalye mangyaring sumangguni sa talahanayan ibinigay sa ibaba *) Sa kawalan / hindi tama na UID number, ang transaksyon ay hindi kinikilala. Ang visa fees ay hindi maaari i-refund.

    Upang lumikha ng iyong Profile at bayaran ang iyong MRV fee online, mangyaring. i-click ito.

  4. Online Payment (sa pamamagitan ng BancNet): Mangyaring tandaan na ang mga aplikante na may account sa bangko na sakop ng BancNet network ay maaaring magbayad ng kanilang MRV application fee online gamit ang pasilidad na BancNet Bills Payment. Para magawa itong pamamaraan ng pagbayad, ang aplikante ay dapat kumuha ng isang UID sa pamamagitan ng paglikha ng online Profile sa (indicate where to create online profile). Pagtanggap ng UID, kinakailangan tandaan itong mabuti sa kadahilanang ito ay gagamitin sa transfer visa fee gamit ang pasilidad na BancNet Bills Payment.

    NOTE: Siguraduhing tama ang ilalagay na UID sa “Transaction Description Field” upang ikaw ay makag-iskedyul ng iyong interbyu pagkalipas ng isang araw (maliban sa wikend) pagkatapos magbayad ng MRV application fee. (Para sa karagdagang mga detalye mangyaring sumangguni sa larawan sa ibaba *) Sa kawalan o maling pagkakalagay ng UID, ang transaksyon ay hindi kikilalanin. Ang Visa fees ay hindi maaaring i-refund.

    Upang lumikha ng iyong Profile at bayaran ang iyong MRV fee online, mangyaring i-click ito.

    IMPORTANT: Mangyaring tandaan na kailangan mong maghintay ng isang araw mula sa araw nang ikaw ay magbayad ng iyong MRV fee bago magpa-iskedyul ng interbyu. (Para sa karagdagang mga detalye mangyaring sumangguni sa larawan sa ibaba *) Kung ikaw man ay mag-iskedyul ng iyong appointment online o sa pamamagitan ng pagtawag sa aming call center, kailangan mong ibigay ang numero ng iyong pasaporte at resibo ng pagbayad ng MRV fee ** bago ka pahintulutang makapag-iskedyul ng iyong visa interview appointment.

    *Maaaring sumangguni sa larawan sa ibaba para sa mga detalye kung kailan maaaring magpa-iskedyul ng visa interview appointment.

Aktwal na pagbayad ng MRV Fee sa alin mang sangay ng BPI o ang pagbayad Online ** Ano ang magiging petsa ng iyong resibo habang nag-iiskedyul ng iyong appointment? Pag-iskedyul ng visa interview appointment
Pagbayad mula sa pagitan ng 12:01 am at 3:00 pm Kapareho ng aktwal na petsa ng resibo Ang appointment ay maaaring ma-iskedyul sa loob ng 4 na oras ng pagbayad
Pagbayad pagkalipas ng 3:00 pm hanggang 11:59 pm Kasunod na araw maliban sa wikend Ang appointment ay maaaring ma-iskedyul sa sumunod na araw mula 11:00 ng umaga
Pagbayad ng wikend o pista opisyal Kasunod na araw .araw maliban sa wikend Ang appointment ay maaaring ma-iskedyul sa sumunod na araw mula 11:00 ng umaga
Pagbayad sa pamamagitan ng BancNet  
Pagbayad mula sa pagitan ng 12:01 am at 11:59 pm. Kasunod na araw maliban sa wikend. Ang appointment ay maaaring ma-iskedyul sa sumunod na araw mula 1:30 ng hapon
Pagbayad ng wikend o pista opisyal Kasunod na araw maliban sa wikend. Ang appointment ay maaaring ma-iskedyul sa sumunod na araw mula 1:30 ng hapon

Pagkatapos ninyo mabayaran ang visa application fee, mangyaring itago ang resibo ng BPI para sa iyong rekord.

Ang bawat aplikante ng nonimmigrant visa , kabilang ang bata, ay kailangang magbayad ng non-refundable, non-transferable Machine Readable Visa (MRV) application fee, kahit pa ikaw ay mabigyan o hindi mabigyan ng visa. . .Ang visa application fee na babayaran ay depende sa klase ng visa na inaaplayan ng aplikante. Mangyaring tingnan ang website ng Department of State para sa karagdagang impormasyon.