Ang mga Litrato at Fingerprints

Mga detalye ng Litrato

Ang mga aplikante ng nonimmigrant visa sa Embahada ng Amerika ay kinakailangang mag-upload ng electronic na litrato bilang parte ng proseso sa pagkompleto ng DS-160 bago pa man ito isumite sa www.state.gov website. Dapat rin meron kang kopya ng litrato mo sa takdang araw ng interview mo sa Embahada.

7 Hakbang upang magkaroon ng maayos na litrato:
  • I-frame ang subject ng buong mukha na nakaharap at bukas ang mata.
  • Siguraduhing kuha sa litrato ang buong ulo mula sa tuktok ng buhok hanggang sa baba. Ang ulo ay dapat may sukat na 1 pulgada hanggang 1-3/8 pulgada (25mm hanggang 35mm)
  • Igitna ang ulo sa frame (tingnan ang Figure 2 sa baba)
  • Siguraduhing ang taas ng mata ay mula 1-1/8 hanggang 1-3/8 pulgada (28mm hanggang 35mm) mula sa ibaba ng litrato.
  • Dapat gumamit ng puting kulay na background sa litrato.
  • Ilugar ng wasto ang lilitratuhan at ayusin ang ilaw upang walang anumang anino ang lumabas sa background.
  • Hikayatin ang nagpapalitrato na pumwesto ng natural

Figure 2. Head Position & Placement

Ang naiupload na Digital Image

Ang sukat ng ulo

Ang taas ng ulo o ang facial region size (ang sukat mula sa tuktok ng ulo, kasama ang buhok, hanggang sa ilalim ng baba) ay kailangan dapat ay mula 50% hanggang 69% ng kabuuang imahe. Ang taas ng mata (nasusukat mula sa ilalim ng imahe hanggang sa lebel ng mata) ay kailangan mula 56% hanggang 69% ng taas ng litrato.

Ang dimensyon ng image pizel ay kailangang naka square aspect ratio( ibig sabihin ang taas ay kailangang kapareho ng sukat ng lawak). Ang mga minimum na katanggap-tanggap na dimesyon ay 600 pixels (lawakX600 pixels (taas) Ang Maximum na katanggap-tanggap na sukat ay 1200 pixels (lawak X1200 pixels(taas)

Well-Composed Photos

Mga specification ng larawan na kinakailangan para sa visa application form

Mga Kadalasang Katanungan Tungkol sa Larawan

Fingerprinting

Lahat ng aplikante ng visa, maliban sa mga magbabyahe para isang opisyal na pang-gubyernong lakad o paglalakbay, na mas bata sa edad na 14 anyos, o kaya ay higit sa edad na 79, ay kukunan ng fingerprint ng Embahada ng Estados Unidos bilang bahagi ng interbyu para sa visa.Sa pag-aayos ng aplikasyon para sa visa, madalas kapag interbyu, isasagawa ang isang digital na fingerprint scan na hindi ginagamitan ng inta.