Mga Visa Fees:

Ang website na to ay naglalaman ng mga listahan ng mga nonimmigrant visa fees at iba pang kaukulang bayarin  sa visa na kinokolekta ng Department of State. Pakatandaan na tanging ang nonimmigrant MRV application  fee  lamang ang kinokolekta ng serbisyong ito. Ang lahat ng iba pang fees ay dapat bayaran ng direkta sa National VisaCenter, sa Embahada ng Estados Unidos o sa Department of Homeland Security. Mangyaring tingnan ang Iba pang  fees para sa higit na impormasyon.

Lahat ng bayarin na nakasaad sa ibaba ay maaaring bayaran sa lokal na pananalapi sa Bank of the Philippine Islands (BPI) o online kung mayroon kang BPI o Bancnet account. Ang mga  fees ay binabayaran ng  bawat indibidwal na aplikante at bawat aplikasyon: $140 sa kadalasang uri ng visa kasama na ang B-1/B-2 at F,M o J visa, $150 para sa H,L,O,P at R visa at $390 naman para sa E-visa at $350 para sa K visa.

Ang MRV application fee ay hindi maaaring i-refund o mailipat sa ibang tao. Kailangan mong magtakda ng petsa ng panayam sa embahada sa loob ng isang taon mula nang makapagbayad ka at makakuha ng resibo mo ng BPI. Kung sakaling hindi ka makapagtakda ng panayam sa embahada sa loob ng isang taon mula ng makuha mo ang resibo ng BPI, hindi mo na ito magagamit at mawawalan na ito ng bisa. Ang resibo ng BPI ay pinapalagay na nagamit na matapos ang panayam at hindi na maaaring gamitin pang muli sa mga sususnod na appointment.

Mga detalye hinggil sa nonimmigrant visa application processing fee (MRV fee)

Includes (but not limited to), the following visa categories:

B- Visitor Visa: Business, Tourism, Medical treatment Visitor Visa: Business, Tourism, Medical treatment
C-1 Transiting the U.S.
D Crewmembers - Airline, Ship
F Student, Academic
I Media and Journalists
J Exchange Visitors
M Students, Vocational
TN/TD NAFTA Professionals
  T Victim of Trafficking in Persons
  U Victim of Criminal Activity
Petition based visa categories: $150.00

Kabilang sa mga kategorya ng visa na ito :

H Temporary Workers/Employment or Trainees
L Intracompany Transferees
O Persons with Extraordinary Ability
P Athletes. Artists & Entertainers
Q International Cultural Exchange
R Religious Worker
  • E - Treaty Trader/Investor, Australian Professional Specialty category visa: $390.00
  • K – Fiance(e) or Spouse of U.S. citizen category visa: $350.00
Mga Pagkakataong hindi na kinakailangang magbayad ng nonimmigrant visa application fee:

  • Mga aplikante ng A, G, C-2, C-3, NATO, at mga diplomatic visa (nakasaad sa 22 CFR 41.26): Walang bayad
  • Mga aplikante ng J visa na lalahok sa mga U.S. Government-sponsored educational and cultural exchanges: Walang bayad
  • Pagpapapalit ng machine-readable visa kung ang orihinal na visa ay hindi maayos ang pagkakagawa na walang kinalaman ang aplikante: Walang Bayad
  • Mga aplikanteng may eksempsyon base na rin sa mga napagkasunduan ng Visa Services gaya ng mga myembro at kasapi ng mga observer mission ng United Nations Headquarters na kinikilala ng UN General Assembly at ang kanilang mga malapit na kapamilya : Walang bayad
  • Mga aplikanteng bibiyahe upang magkawanggawa base na rin sa mga kwalipikasyong itinakda ng Visa Services: Walang Bayad
  • Mga empleyado ng gobyerno ng Estados Unidos na bibiyahe ng opisyal: Walang Bayad
  • Magulang, kapatid, asawa o anak ng isang empleado ng gobyerno ng estados Unidos na namatay sa gitna ng pagtugon sa tungkulin upang dumalo sa burol; o magulang, kapatid, asawa o anak ng isang empleado ng gobyerno ng Estados Unidos na nasaktan ng malubha sa gitna ng pagtupad sa tungkulin upang siya ay mabisita sa panahon ng pagpapagamot: Walang Bayad