Ang pagtataas sa bayad ng MRV fee ay sa June 17, 2023. Ang serbisyo para sa pagbabayad sa visa fee ay sususpindihin sa June 16, 2023. Huwag magbayad ng visa fee sa June 16, 2023. Magbabalik ang serbisyo sa pagbabayad ng visa fee sa June 17, 2023. Bukod pa rito, maaaring mayroong maging isang pagkaantala sa pag-update ng impormasyon sa bayad sa visa fee sa site na ito. Mangyaring basahin ang opisyal na paunawa, "Pagtaas ng Nonimmigrant Visa Fee", sa site na ito para sa mga karagdagang detalye.


Ang U.S. Department of State ay magtataas ng bayad sa ibang nonimmigrant visa aplication fees. Ang pagtataas ngabyad ay magiging epektibo sa June 17, 2023.

  • Ang application fee para sa visitor visa para sa business o tourism (B1/B2s), at iba pang non-petition based NIVs, tulad ng student at exchange visitor visas, ay madadagdagan mula sa halagang $160, ito ay magiging $185.
  • Ang application fee para sa petition-based nonimmigrant visas para sa temporary workers (H, L, O, P, Q, at R categories) ay madadagdagan mula sa $190, ito ay magiging $205.
  • Ang application fee para sa treaty trader, treaty investor, at treaty applicant para sa specialty occupation (E category) ay magiging $315 mula sa $205.

Ang lahat ng bayad sa aplikasyon ng nonimmigrant visa (kilala rin bilang bayad sa MRV) na ginawa noong o pagkatapos ng Oktubre 1, 2022, ay may bisa sa loob ng 365 araw mula sa petsa na inisyu ang isang resibo. Ang mga aplikante ay dapat mag-iskedyul ng appointment sa pakikipanayam o magsumite ng aplikasyon para sa waiver ng pakikipanayam sa loob ng 365-araw mula sa petsa ng pagbabayad nito. Pakatandaan na ang mga aplikante ay dapat lamang mag-iskedyul ng kanilang pakikipanayam o magsumite ng kanilang aplikasyon sa waiver sa loob ng 365-araw. Hindi kinakailangan ang panayam ay dapat mangyari sa loob ng 365-araw. Ang lahat ng mga resibo para sa pagbabayad ng mga bayarin sa MRV na inisyu bago ang Oktubre 1, 2022, ay pinalawig hanggang Setyembre 30, 2023, at mananatiling may bisa hanggang sa petsang ito.