Pag-monitor sa Estado ng Aking Pasaporte

Pagbabalik ng mga Pasaporte buhat sa Koreyo

Kung ang inyong aplikasyon ay naaprubahan, matatanggap ninyo ang inyong pasaporte mula sa 2go na serbisyong koreyo sa address na ibinigay ninyo noong nagpa-iskedyul kayo ng appointment. Marami kayong maaaring pagpilian upang ma-monitor ang inyong pasaporte:

Chat: Mangyari ay i-click ito upang magsimula ang sesyon na may Serbisyong pang-Chat.

E-mail: Mangyari ay sumulat sa amin sa support-philippines@ustraveldocs.com; mailto: kami ay sumasagot sa inyong katanungan sa loob ng dalawang araw, Lunes hanggang Biyernes.

Online: Upang masubaybayan ang estado ng inyong pasaporte online, mangyaring i-click ito.

Telepono: Maaaring tumawag sa amin sa (632)982-5555 sa pagitan ng 6:00 n.u. at 10:00 n.g.

Karaniwan na mga Itinatanong

T: Bakit iisang pasaporte lamang sa bawat sobre? Bakit walang mga diskwento sa pamilya?
S: Walang karagdagang bayad para sa ibinabalik na pasaporte ng koreyo; lahat ng bayad ay kabilang na sa inyong binayaran na MRV fee. Para sa seguridad at kaligtasan, kinakailangan ang hiwalay na pagsubaybay sa bawat pasaporte.

T: Ano ang mangyayari sa pasaporte kung wala ako sa bahay pagdating ng koreyo?

S: Ang 2go ay maghahatid ng inyong pasaporte sa address lamang na ibinigay ninyo noong nagpa-iskedyul kayo ng interbyu. Kung hindi ito naihatid, ang koreyo ay magi-iwan ng “sorry” kard na nagpapahiwatig na sila ay nagtangkang maghatid. Mangyari ay tawagan kaagad ang 2go pagkatanggap ng kard. Kung ang pasaporte ay hindi naideliver sa loob ng 5 araw, ito ay ibabalik sa Embahada/Konsulado. Mangyari ay tumawag sa helpline para sa karagdagang impormasyon..

T: Ang pasaporte ba ay dapat ihatid sa aking bahay?
S: Hindi. Ang iyong pasaporte ay maaring ihatid sa iyong tanggapan o sa iyong pamilya, subalit sila ay dapat magpakita ng awtorisadong pagkakilanlan upang tanggapin ang pasaporte.

T: Ano ang kailangan kong ipakita kung ang 2go ay maghahatid ng pasaporte?

S: Upang masiguro na ang iyong pasaporte at visa ay hindi maibigay sa hindi awtorisadong tao, kinakailangan ay may larawan ang mga pagkakilanlan o I.D. na ipakita:

  • Driver’s License
  • Civil Service ID
  • Professional Regulation Commission (PRC)
  • Government Service Insurance System (GSIS)
  • Social Security System (SSS)
  • Postal ID
  • Company ID

Kung ang kinatawan ang tatanggap ng pasaporte sa ngalan ninyo (kahit miyembro ng inyong pamilya) nararapat na sila ay magpakita ng:

  1. Kanilang sariling pagkakilanlang na may larawan na kinikilala ng pamahalaan(ID), i.e., Identification Card.
  2. Isang kopya ng ID na kinikilala ng pamahalaan.
  3. Isang sulat na pagpapahintulot na nilagdaan ng aplikante upang tanggapin ang pasaporte. Ang sulat ng pagpapahintulot ay dapat naglalaman ng sumusunod na impormasyon:
    • Buong pangalan ng kinatawan batay sa sinasabi sa ID card.
    • Pangalan ng aplikante kung kaninong pasaporte ay ihahatid.
    • Numero ng resibo ng aplikante kung kaninong pasaporte ang kokolektahin/ihahatid. Ang mga immigrant visa na aplikante ay dapat banggitin ang numero ng resibo sa sulat.

Kung ang aplikante ay mas bata pa sa 16 taong gulang, ang mga dokumentong sumusunod ay kinakailangan:

  1. Orihinal na nilagdaang sulat ng pagpapahintulot mula sa magulang.
  2. Isang malinaw na kopya ng balid ID na may larawan at lagda ng magulang na pumirma sa sulat ng pagpaphintulot.
  3. Orihinal na balid ID na may litrato ng kinatawan.

Paalala: Sa kaso ng isang grupo/pamilya, isang pahintulot na sulat na may kinakailangang impormasyon para sa bawat aplikante ang tatanggapin.

MAHALAGA: Ang 2go ay hindi maaaring maghatid ng inyong pasaporte kung alin mang nabanggit sa itaas ang hindi magagamit.

T: Ano ang “Hold At Location”?
S:
Ang “Hold at Location” ay ang mga tanggapan ng 2go kung saan ang inyong mga pasaporte ay hahawakan para maihatid sakaling ang inyong address ay hindi maaaring serbisyohan ng 2go. Ikaw ay kinakailangang pumili ng pinaka maginhawang lokasyon ng pagkolekta (pinakamalapit sa inyong kasalukuyang tirahan o opisina) mula sa listahang pinapakita sa inyo noong kayo ay nag-iskedyul ng appointment. Ipapakita sa inyo ang pagpipilian para sa HAL(Hold at location) na mga tanggapang magagamit para sa pagkolekta bago pa ang pagkumpirma ng inyong appointment para sa interbyu.

Ang 2Go ay magsasagawa ng tatlong pagtatangka na ihatid ang inyong pasaporte. Pagkatapos niyan, ang inyong pasaporte ay hahawakan ng 2go para inyong kolektahin sa loob ng 10 araw kung saan ay ibabalik sa Embahada ang pasaporte.

T: Paano ko o ng aking kinatawan makokolekta ang pasaporte sa isang lokasyon ng tanggapan ng 2go?
S: Upang masiguro na ang inyong pasaporte at visa ay hindi maibigay sa hindi awtorisadong tao, kailangan ng identification kard na may larawan at kinikilala ng gobyerno para makolekta ang pasaporte mula sa 2go HAL (Hold at Location). Halimbawa ng ID ay ang sumusunod:

  • Driver’s License
  • Civil Service iD
  • Professional Regulation Commission (PRC)
  • Government Service Insurance System (GSIS)
  • Social Security System (SSS)
  • Postal ID
  • Company ID
  • Tax Identification Number (TIN)

Kung ang kinatawan an ang tatanggap ng pasaporte sa ngalan ninyo (kahit miyembro ng inyong pamilya) kailangan magpakita ng:

  1. kanilang sariling orihinal na ID na kinikilala ng gobyerno na may larawan.
  2. Isang kopya ng ID ng aplikante na kinikilalang ng gobyerno.
  3. Isang sulat ng pagpapahintulot na may lagda ng aplikante, na nagpapahintulot sa kinatawan na tanggapin ang pasaporte. Ang sulat ng pagpapahintulot ay dapat naglalaman ng mga sumusunod na impormasyon:
    • Buong pangalan ng kinatawan ayon sa pagkakasulat sa ID card.
    • Pangalan ng aplikante kung kanino ang pasaporte ay kukolektahin.
    • numero ng resibo ng aplikante kung kaninong pasaporte ay kukolektahin. Ang mga aplikante ng immigrant visa ay dapat banggitin ng numero ng resibo sa sulat.

Kung ang aplikante ay mas nakababata sa edad na 16, kinakailangan ang mga sumusunod na dokumento:

  1. Orihinal na nilagdaang sulat ng pagpapahintulot buhat sa isa sa mga magulang.
  2. Isang malinaw na photocopy ng kinikilanlang may larawan na ID ng gobyerno, g.n. ID card ng magulang na lumagda sa sulat ng pahintulot.
  3. Ang orihinal na kinikilalang may larawan na ID ng gobyerno ng kinatawan.

Pabatid: Sakaling isang grupo/pamilya, isang sulat ng pagpapahintulog na may kinakailangang impormasyon ng bawat aplikante ang tinatanggap.

MAHALAGA: Ang 2go ay hindi maihahatid ang inyong pasaporte kung alin sa nakasaad sa itaas na mga dokumento ay hindi magagamit.

T: Paano ko makukuha ang aking pasaporte matapos ang interbyu?
S: Ihahatid ng 2go ang mga pasaporte sa address lamang na inyong isinaad sa panahon ng inyong pag-iskedyul ng interbyu. Ang paghahatid sa inyong address ay hindi na maaaring baguhin pagkatapos maaprubahan ang inyong visa. Ang halaga ng koreyo ay kasama na sa binayarang MRV fee.

T: Maaari ba ang aking kintawan ang tumanggap ng aking pasaporte kapag ako ay wala?
S: Oo. Ang mga kinatawan ay kailangang magbigay ng sulat ng pagpapahintulot at patunay ng pagkakilanlang nakasulat sa itaas.

T: Ano ang mga tinatanggap ng “kinikilala ng gobyernong may larawan na mga ID”?
  • Driver’s License
  • Civil Service ID
  • Professional Regulation Commission (PRC)
  • Government Service Insurance System (GSIS)
  • Social Security System (SSS)
  • Postal ID
  • Company ID
  • Tax Identification Number (TIN)

T: Kailangan ko pa ba ng anumang pagbabayad sa 2go para sa serbisyong koreyo?
S: Hindi. Ang halagang ito ay kasama na sa inyong binayaran na MRV fee o sa inyong aplikasyon para sa immigrang visa.