Mga Lokasyon ng Visa Collection

Sa oras na ang inyong visa ay maaprubahan, ang 2go courier service ay ibabalik ang inyong pasaporte sa address na inyong itinakda noong ikaw ay nag-book ng appointment. Ang pagbabalik ng visa ay magtatagal ng isang linggo matapos ang iyong huling panayam. Ang address na itinakda ay hindi na maaaring baguhin o palitan pagkatapos ng 11:59 pm bago ang araw ng inyo panayam. Ang bayad para sa courier ay kasama na sa visa application fee.

Hanapin ang pinakamalapit na 2GO Location

Hold At Locations: (HAL) ay ang mga tanggapan ng 2go kung saan ang inyong mga pasaporte ay nakatago para ihatid mangyaring ang inyong address ay hindi kasama sa mga lugar na hindi maseserbisyuhan ng 2go. Maari kayong pumili ng pinakamadaling lokasyon ng HAL (pinakamalapit sa kasalukuyang tinitirahan o opisina) mula sa listahan na pinakita sa inyo noong kayo ay nag-book ng appointment.

Ang mga pasaporte ay itatago ng 2go para sa koleksyon hanggang 10 araw, hindi kabilang ang Sabado at Linggo. Kung hindi nakuha sa tinukoy na panahon, ang inyong pasaporte ay ibabalik sa Embahada.

Para kunin ang inyong pasaporte sa mga lokasyon ng 2go HAL kailangan ninyong magdala ng ID na inisyu ng gobyernoKung isang kinatawan ang kukuha ng inyong pasaporte dapat silang magdala ng:

  1. Orihinal na government-issued photo ID, i.e, Identity Card.
  2. Isang letter of authority na pinirmahan ng aplikante, na pumapayag na ang isang kinatawan na kunin ang pasaporte. Ang letter of authority ay dapat mayroon ng mga sumusunod na impormasyon:
  • Buong pangalan ng kinatawan gaya ng nakalagay sa kanyang government-issued ID card.
  • Pangalan ng aplikante kung saan ang pasaporte ay kukunin.
  • Numero ng resibo ng aplikante. Ang mga aplikante ng immigrant visa ay dapat ilagay ang receipt number sa sulat.

Kung ang aplikante ay wala pang 16 taong gulang, ang mga sumusunod na dokumento ay kinakailangan:

  1. Orihinal at pinirmahang letter of authority mula sa alinmang magulang.
  2. Malinaw na kopya ng government-issued photo ID, i.e, ID card ng magulang na nakapirma sa letter of authority.
  3. Orihinal na government-issued photo ID ng kinatawan.

Maaring tandaan: Sa kaso ng grupo/pamilya, ang isang letter of authority kasama ang mga sumusunod na impormasyon para sa bawat aplikante ay tatanggapin.

Ang 2go ay hindi mahahatid ang mga pasaporte kung ang mga nabanggit na dokumento sa taas ay hindi maipapakita.

Para i-track ang estado ng inyong pasaporte, maaring i- click ito.