Pag-aapply para sa isang Visa

Procedure to Apply for Visa

Mangyaring kumpirmahin kung iyong kailangan o hindi kailangan na mag-aplay para sa isang visa. Kung ikaw ay isang mamamayan ng anumang bansa na kalahok sa Visa Waiver Program , o may hawak na isang balidong visa sa US, maaaring hindi mo na kailangan na mag-apply para sa isang bagong U.S. visa

Kung kinakailangan mo pang mag-apply para sa isang nonimmigrant visa, mangyari ay sundin ang sumunod na mga hakbang sa ibaba.

Paano Mag-aplay ng isang Nonimmigrant Visa

Ika-1 hakbang: Bayaran ang MRV fee. (Payment Help at fee information)

Ika-2 hakbang: Kumpletohin ang Nonimmigrant Visa Electronic Application (DS-160) form

Ika -3 na hakbang: Hindi bababa sa 4 na oras matapos kayong magbayad ng inyong MRV, maaari kayong bumalik sa website at magpa Schedule ng interview . Kailangan ninyong magbigay ng tatlong impormasyon upang maitakda ang inyong appointment:

  • Passport number
  • Ang petsa ng inyong pagbabayad (maaring ito ay sa isang bangko o online)
  • 10 digit barcode number mula sa DS-160 confirmation page.

Pabatid: Ang mga aplikante na nasa edad 20 pababa ay kailangang may kasama kahit isang magulang sa kanilang interview Kung ang bata ay isang ulila, o ang mga magulang ay nasa labas ng Pilipinas, isang legal na tagabantay ang kailangang sumama sa bata.

Ika-4 na hakbang: Bumisita sa U.S. Embassy sa petsa at oras ng inyong panayam para sa visa. Kailangan ninyong dalhin ang naka-imprentang Appointment Letter, DS-160 na pahina ng pagkumpirma, isang bagong litrato, kasalukuyan at lumang mga pasaporte, at ang orihinal na resibo ng binayaran. Ang mga aplikasyon na wala ang nasa itaas ay HINDI tinatanggap.

Ika-5 na hakbang: Ang mga aprubadong visa ay pinadadala sa pamamagitan ng koreyo. Click here upang subaybayan ng inyong pasaporte.