Pag-iskedyul/Pagbago ng Appointment

Ang mga aplikante para sa U.S. visa . ay kailangang dumating sa U.S. Embassy o Konsulado sa araw ng interbyu. Kailangan ng aplikante mag-iskedyul ng interbyu sa pamamagitan ng online o call center.

Upang maitakda ang appointment para sa nonimmigrant visa, kailangang ihanda ang mga sumusumod na impormasyon at dokumento:

  • Isang pasaporte na balid sa paglalakbay sa Estados Unidos na may petsa na balid anim na buwan makatapos ang ninanais na pananatili sa Estados Unidos (maliban kung sa ilalim ng country-specific agreements ang pagbibigay ng mga exceptions). Kung higit pa sa isang tao ang kasama sa pasaporte, bawat tao na nagnanais mag-aplay ng visa ay dapat magsumite ng sariling aplikasyon..
  • Resibo sa pagbayad sa BPI
  • DS-160 confirmation page
  • E-mail address
  • Kung naaangkop, ang mga kinakailangang dokumento base sa uri ng visa na ina-aplayan ( tulad ng isang na-aprubang petisyon sa mga visa na kinakailangan ng petisyon tingnan ang detalyadong talaan sa impormasyong ibinigay dito sa website tungkol sa klase ng mga visa)

Panahon ng Paghihintay Para sa Appointment

Tandaan, mag-aplay ng maaga! Kahit na ang karaniwang pagpu-proseso ng visa ay nagtatagal lamang ng isang linggo, ang pagpu-proseso para sa ilang natatanging kaso ay nagbabago dahil sa ilang mga pangyayari o sitwasyon ng aplikante at ibang natatanging mga pangangailangan.