Lokasyon ng mga Pagdadalhan ng Dokumento

Ang mga aplikante, na nalagay sa hold sa ilalim ng Section 221 (g) at hinigan ng dokumento, ay maaring isumite ang kanilang mga dokumento sa Embahada sa pamamagitan ng pagpunta sa pinakamalapit na 2GO courier.

Hanapin ang pinakamalapit na 2Go Location

Mga pamamaraan sa pag susumite ng 221(g) na mga dokumento Embahada/ Konsulado

Unang Hakbang: I-click ang 221(g) submission link para i-print ang 221(g) submission slip sa tanggapan ng courier. At ang mga aplikante din na nais palitan ang kanilang courier address ay maaring palitan ang courier address sa pamamagitan ng link na ito.

Pangalawang Hakbang: Pumunta sa pinakamalapit na tanggapan ng courier dala ang 221(g) submission slip, 221(g) letter na binigay ng consular post at lahat ng dokumento na hinihingi ng consular post.

Pangatlong Hakbang: Sa tanggapan ng courier ipasa lahat ng dokumento at 221(g) submission slip. Bibigyan kayo ng courier ng kopya ng Air way bill bilang patunay ng pagtanggap ng mga 221(g) dokumento.

Pang-apat na Hakbang: Ang courier ay isusumite ang inyong mga dokumento sa consular post kung saan ang inyong panayam

Pang-limang Hakbang: Ang mga aplikante ay matatanggap ang kanilang mga pasaporte sa address na kanilang tinukoy kasama ang visa o isang panibagong 221(g) na sulat.

Tandaan: Ang inyong aplikasyon ay mananatili sa Embahada hanggang sa oras maisumite ninyo ang inyong mga dokumento. Lahat ng mga karagdagang dokumento at impormasyon na hiningi ng Embahada o Konsulado sa isang 221(g) letter ay dapat isumite sa loob ng isang taon mula sa petsa na naibigay sa inyo ang 221(g) letter.