Ang Impormasyon hinggil sa Nonimmigrant Visa Application

Bawat aplikante, maging ang mga bata, ay kinakailangan na may sariling DS-160 application na maisusumite online bago pa man ang petsang itinakda para sa interview. Kakailanaganin mo ring magbigay ng DS-160 confirmation barcode upanag makapagpa schedule ka ng iyong interview sa Embahada. Kailangan isumite ang form online. Hindi tinatanggap ng Embahada ang mga sulat-kamay o minakinilyang application form at hindi ka rin papahintulutan na magkaroon ng interview kung wala kang confirmation page ng DS-160.

DS-160 Internet Guide

DS-160 Form

DS-160 FAQ

Tandaan: Kapag iyong pinirmahan electronically ang iyong DS-160, iyong pinapatunayan na lahat ng detalyeng napapaloob dito ay tunay at tama. Ang paglalagay ng maling impormasyon ay maaaring magdulot sayo ng permanenteng estado upang di na makapasok pa ng Estados Unidos. Mangyaring veripikahin ng makalawang ulit ang iyong mga kasagutan na ang mga ito ay nasagutan ng wasto.

Mga Dapat Isaalang-alang sa pagkompleto ng DS160 form

Ang DS-160 form ay maaaring makuha sa http://ceac.state.gov/genniv/.

  • Matapos marepaso ang Nonimmigrant Visa Application process, lahat ng aplikante ng visa ay kinakailangang magsumite ng DS-160 online application bago makipag-appointment ng interview.
  • Ang pinili mong interviewing post sa pagkompleto ng DS-160 form ay dapat pareho ng consular post kung saan ka magpapa schedule ng appointment.
  • Lahat ng tanong ay kailangang sagutin gamit ang wikang Ingles at ang alpabetong Ingles liban na lamang kung kailangan mong isulat ang iyong buong pangalan sa iyong sariling titik.
  • Lahat ng aplikante ay kailangan magsumite ng litrato sa DS-160 at kailangan ding magdala nito sa araw ng interview. ANg mga detalye ng litratong kailangan ay matatagpuan sa link na ito: click here o sa website ng US Department of State https://travel.state.gov/content/travel/en/us-visas.html
  • Kung kinakailangan ng aplikante na lumabas sa online form ng DS-160 upang kumalap ng iba pang mahalagang impormasyon bago kumpletuhin ang online form o kung nakatanggap ang aplikante ng mensaheng “time-out” o “error” habang kinukumpleto ang form, maaaring makuha ang ilang datos na nailagay sa online form sa pamamagitan ng pag-click sa “retrieve Incomplete Informaton” at sundin ang mga instruksyon ditto.
  • Ang nakumpletong DS-160 application form ay maglalabas ng alpha-numeric barcode confirmation page. Mangyaring i-print ito gamit ang laser printer. Hindi kaya itong maprint gamit ang Ink.jet o dot,matrix dahil sa kakulangan sa resolusyon na maimprenta ang barcode.
  • Upang ipadala sa sarili mong email address ang kopya ng confirmation page ng DS-160 application form, bumalik sa previous page (pindutin ang “back button”) at piliin ang “email” link.