Business / Tourist Visas

Paglalarawan

Ang B-1/B-2 visitor visa ay para sa mga taong naghahangad na pumasok sa Estados Unidos para sa panandaliang kalakal (B-1) o para magbakasyon o para magpagamot (B-2). Kadalasan, ang B-1 visa ay para sa mga paglalakbay upang kumunsulta sa mga kasosyo sa negosyo, para dumalo sa pang-agham, edukasyon, propesyonal o pang-negosyo na kumbensyon/kumperensya, upang ayusin ang mga ari-arian o upang makipag-negosasyon sa isang kontrata. Ang B-2 visa ay para sa mga paglalakbay upang magbakasyon, kasama na ang turismo, pagbisita sa mga kaibigan o kamag-anak, pagpapagamot at pagdalo sa mga fraternal at social activities. Kadalasan, ang B-1 at B-2 visa ay pinagsasama at ibinibigay bilang isang visa lamang, ang B-1/B-2.

Mga kwalipikasyon

Dapat ipakita ng mga aplikante ng B-1/B-2 visa sa opisyal na konsulado na sila ay kuwalipikado para sa isang US visa alinsunod sa US Immigration and Nationality Act (INA). Ayon sa seksiyon 214 (b) ng INA, ang bawat aplikante ng B-1/B-2 ay isang nagbabalak na immigrant; upang mapatunayan ito, ang mga aplikante ay dapat maipakita ang mga sumusunod:

  • Na ang layunin ng kanilang paglalakbay sa US ay para sa isang pansamantalang pagbisitang may kaugnayan sa negosyo, pagbabakasyon, o pagpapagamot;
  • Na plano nilang manatili lamang sa tiyak at limitadong panahon;
  • Katibayan ng may pondo para sa pananatili sa Estados Unidos; at
  • Na sila ay residente sa labas ng US at may mga dahilan upang bumalik sa sariling bansa matapos ang nailaang panahon ng pagbisita.

Maliban sa mga kailangang dokumentasyong naisaad na, ang mga sumusunod na dokumento ay kailangan din para sa mga taong magpapagamot sa US:

Karagdagan sa mga dokumento na maaring hanapin ng consul ang mga naghahangad maglakbay sa US upang magpagamot ay dapat handang ipakita ang mga sumusunod na dokumentento:

  • Medical diagnosis mula sa isang local na manggagamot na nagpapaliwanag ng uri ng sakit at dahilan kung bakit kailangan ng aplikante na magpagamot sa Estados Unidos
  • Sulat mula sa isang manggagamot o medikal na pasilidad sa Estados Unidos na nagpapahayag ng isang pagpayag na gamutin ang partikular na sakit ng aplikante at detalye sa haba ng panahon at kung magkano ang magagastos(kabilang ang bayad sa doctor, ospital at lahat ng may kaugnayang medikal na gastos).
  • Statement of financial responsibility mula sa mga tao o isang organisasyon na magbabayad para sa pamasahe, medikal at iba pang gastos ng pasyente. Ang mga taong

      sasagot sa mga gastos ay dapat magbigay ng patunay ng kakayahan na gawin ito, madalas sa pamamagitan ng bank statement o ibang patunay ng mga kita/savings o mga certified na kopya ng income tax return.

Ang mga B-1 visa ay maaaring ma-isyu sa mga personal o domestic na mga empleyado sa ilang mga pagkakataon. Maaaring tignan sa pamamagitan ng pag-click dito.

Ang mga B-1 visa ay maaaring  ma-isyu sa mga crew members na nagtratrabaho sa mga sasakyang pandagat na nasa loob ng Outer Continental Shelf. Para sa karagdagang impormasyon sa mga kaikailanganin sa mga ganitong uri ng visa, maaaring tignan sa pamamagitan ng pag-click dito,

Iba pang Impormasyon

Para sa karagdagang impormasyon sa B-1/B-2 visa, maaaring tignan ang Department of State website sa https://travel.state.gov/content/travel/en/us-visas/tourism-visit/visitor.html

Ang Immigration and Nationality Act ay may listahan ng mga kadahilanan kung bakit ang isang dayuhan ay hindi karapat-dapat mabigyan ng isang visa. Para sa karagdagang impormasyon, maaring tignan ang Department of State website sa https://travel.state.gov/content/travel/en/us-visas/visa-information-resources/waivers.html

Mga Kailangan sa pagaaplay

Ang bawat aplikante ng visitor visa ay dapat isumite ang mga sumusunod:

  • Online Nonimmigrant Visa Electronic Application, Form DS-160. Bisitahin ang aming DS-160 webpage para sa karagdagang kaalaman tungkol sa DS-160 online process.
  • Ang isang balidong pasaporte para sa paglalakbay sa Estados Unidos ay may validity  na ang petsa ay hindi bababa sa anim na buwan sa panahong nais ng aplikanteng manatili sa Estados Unidos (maliban kung may country-specific agreements na nagbibigay ng exemptions). Kung higit sa isang tao ang kasama pasaporte, ang bawat taong naghahangad ng visa ay kailangang magsumite ng application.
  • Isang (1) 2x2 litrato. I-click dito upang makita ang kinakailangang format ng litrato
  • Resibo na nagpapakita ng pagbayad ng nonimmigrant visa application processing fee (non-refundable) na $140. Maaaring tingnan ang Visa Fees para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbabayad ng fee. Bukod dito, kung ang visa ay na-isyu na, maaaring may karagdagang visa issuance reciprocity fee, depende sa nasyonalidad ng aplikante. Maaaring kumunsulta sa Visa Reciprocity Tables upang malaman kung dapat kang magbayad ng visa reciprocity fee at kung magkano ito.

Bukod sa mga nabanggit, ang bawat aplikante ay dapat magpakita ng isang appointment letter bilang patunay na sila ay may nai-book ng appointment. Ang mga aplikante ay maaaring magdala ng kahit na anong supporting documents na sa palagay nila ay kinakailangan upang suportahan ang mga impormasyon na ibibigay sa consular officer, halimbawa, ebidensiya na nagpapakita ng mga layunin ng biyahe, rason upang umalis din sa Estados Unidos, at mga paghahandang ginawa upang matustusan ang mga gastos ng biyahe. Ang mga aplikante na walang sapat na pondo upang suportahan ang kanilang sarili habang nasa US ay dapat magbigay ng katibayan na ang isang interesadong tao ay magbibigay ng suporta. Depende sa mga indibidwal na pangyayari, ang mga aplikante ay maaaring magbigay ng iba pang mga dokumento na nagpapatunay sa layunin ng biyaheat mga pagpapatunay na may mga umiiral na obligasyon katulad ng pamilya o trabahona magbibigay sa kanila ng rason upang bumalik.

Ang supporting documents ay isa lamang sa maraming mga kadahilanan ng isang consul upang i-consider ang iyong interbyu. Susuriin  ng mga consulang bawat aplikasyon at isaalang-alang ang mga professional, social, cultural at iba pang mga kadahilanan. Maaring isaalangalang ng mga consul ang mga tintensyon ang mga aplikante, sitwasyon ng pamilya, at mga plano at mga prospects sa loob ng kanyang bansa ng paninirahan. Ang bawat kaso ay sinusuri isa-isa at ito ay binibigyan ng konsiderasyon na naaayon sa batas.

Paalala: Huwag magbibigay ng mga maling dokumento. Ang pandaraya o kasinungalingan ay maaaring magresulta sa permanenteng visa ineligibility. Kung ang confidentiality  ang inalaala, dapat dalhin ng aplikate ang mga dokumento sa Embahada sa isang selyadong sobre. Hindi ipapamahagi ng Embahada ang mga impormasyon at  irerespeto ang pagiging kompidensiyal ng mga ito..

Supporting Documents:

  • Kung ikaw ay bumibisita sa isang kamag-anak, dalhin ang kopya  ng patunay ng estado ng kamag-anak katulad ng Green Card, naturalization certificate, valid visa  atbp.
  • Kung dati ka nang nakapunta sa Estados Unidos, anumang dokumentong magpapatunay sa iyong immigration o visa status.
  • Criminal/court records na nagpapatunay ng pagka-aresto o pagkahatol sa kahit saan, kahit nakumpleto mo ang iyong mga sentensiya o ikaw ay napatawad.
  • Kung ang isang menor de edad na anak ay nag-aaplay, ang kanyang Sertipiko ng Kapanganakan at, kung naangkop, ang mga valid visa ng mga magulang. Kung naaangkop  , isang  itineraryo ng pagpupulong at / o iba pang impormasyon tungkol sa iyong planong byahe (ito ay maaaring pansamantala).

* * * Mangyaring HUWAG mag-fax, e-mail o mail ng anumang karagdagang dokumento sa Embahada *

Ang mga aplikante ang dapat mismong magdala ng anumang importanteng dokumento sa Embahada  sa araw ng pakikipanayam.

Mga Kalimitang Tanong
Back