Mga Kalimitan o Karaniwang Tanong sa Work Visas

Q.1 Ano ang isang Petisyon?

Bago mag-aplay para sa isang pansamantalang worker visa sa isang embahada o konsulado ng Estados Unidose sa ibang bansa, ang mga aplikante ay dapat magkaroon ng isang aprubadong Form I-129, Petition for Nonimmigrant Worker ng  USCIS. Ang petisyon na ito ay dapat isumite sa ng iyong magiging employer ng hindi mas maaga kaysa sa 6 na buwan bago ang iminungkahing petsa ng pagsisimula sa trabaho. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Temporary Workers  webpage ng USCIS. Ang mga employer ay dapat na mag-file ng petisyon sa lalong madaling panahon sa loob ng 6-buwan upang magkaroon ng sapat na oras para sa processing. Sa sandaling maaprubahan, papadalhan ang  employer ng Form I-797, Notice of Action.

Mahalagang Paalala: Ang Form I-797 ay hindi na kailangan sa inyong interbiyu, gayunpaman, upang mapatunayang na-aprubahan ang petisyon, kakailanganin namin ang iyong I-129 petition receipt number kaya siguraduhing madadala ito.

Q.2 Maaari ba akong makakuha upang makapasok sa isang casual work?

Hindi, walang visa na sakop ang kaswal ng trabaho sa U.S.

Q.3 Mayroon bang limitasyon sa edad para sa mga nag-aaplay sa temporary work visa?

Wala.

Q.4 Puwede bang i-sponsor ng aking kamag-anak na nasa US ang aking work visa?

Ang employer mo lamang ang maaaring mag-isponsor sa iyo.

Q.5 Kailan ako pwedeng pumasok sa Estados Unidos?

Maari ka lamang pumasok sa Estados Unidos 10 araw bago ang petsa ng pagsisimula ng iyong trabaho tulad ng nabanggit sa iyong I-797 o offer of employment letter.

Q.6 Sino ang nagbabayad ng mga Fraud Prevention at Detection fee at kailan ito binabayaran?

Ang aplikante ng isang  L-1 visa na paglalakbay sa isang blanket petisyon ay kailangang magbayad ng Fraud Prevention and Detection fee. Sa mga indibidwal na L, H-1B at H-2B petitions, ang US petitioner ang magbabayad sa Fraud Prevention and Detection Fee sa USCIS kapag nag-file sila ng petisyon.

Back